|
Post by bingski on Aug 8, 2008 8:31:42 GMT 8
Hello everyone!!
I'd like to know how much gas is still left when the Gasoline indicator lights up. Iba iba kse ang sinasabi ng mga tao so I want to be sure.
Also when you fill-up the car, for full tank, is it better to rely on the automatic shut-off while filling or talagang pinupuno nyo? Ilang liters ba ang full tank for Carens. From the start kse I always use the automatic shut-off to monitor my consumption, just wanted to know if that's the proper way of doing it.
|
|
|
Post by hanren on Aug 8, 2008 9:34:13 GMT 8
Mga 5 liters kaya yung reserve? I only fill up to full tank until the pump shuts off. May issue diyan sa pagpuno kasi binayaran mo na yung fuel na nasa gas pump line (nakalabas na kasi) pero hindi na pwedeng ikarga sa tanke mo kasi puno na.. Pero pansin ko nga parang bitin ang laman ng tank kahit full tank na siya. Parang short pa rin ng 5 liters.
|
|
|
Post by mschumacher on Aug 9, 2008 0:16:27 GMT 8
If you use automatic sa mga pump kasi parang bitin yun e. if you have tried to fill it up to the brim you can still add around 13 liters pa after the automatic shut off. I have already tried to fill my tank for 61 liters. I always fill y carens to the brim and have never tried using the autmatic shut off.
|
|
|
Post by jching on Aug 9, 2008 0:42:42 GMT 8
Di dapat punuin ang gas tank ng sobra-sobra pa sa automatic shut off. Kasi ang gas/diesel ay lumalaki (expand) kapag nag-iinit na habang tumatakbo ang sasakyan. Dahil dito karaniwan pag sobra ang puno, umaapaw ang inyong fuel ng di ninyo namamalayan. Minsan sa pagliko ninyo saka tumatapon ito. Kaya mabuting sa unang click pa lang e patigil nyo na. Isa pa, pag umapaw ang inyong fuel dahil pilit na pinupuno ng gas boy, masisira ang paint job ninyo.
|
|