|
Post by hanren on Apr 4, 2009 7:55:17 GMT 8
Napansin ko everytime I switch on the aircon for the first trip ...iba ang amoy na lumalabas from the a/c vent. It's not pleasant pero nawawal din ito pagkalipas ng mga 1 min or so.
A/C is in recirculating mode everytime I switch the A/C on.
When I had my 10k pms three weeks ago, sabi nung mechanic nilinisan na daw yung a/c filter.
What could be the cause of this? Have you experienced this too?
|
|
|
Post by jovill on Apr 4, 2009 9:57:05 GMT 8
Yung evaporator kasi nang aircon malamig yan minsan nagyeyelo pa sa sobrang lamig. Ang nagiging problema pag pinatay ang aircon, yung mga lamig nagkakaroon ng moisture nahahalo pati alikabok at dumi ng cabin dyan.. para maiwasan yan, make sure na off mo na ang compressor switch mga 1-2 minutes tapos ilagay mo ang blower sa mga mid settings bago mo patayin para matunaw ang yelo at di mag accumulate ng moisture.. Yan ang ginagwa ko at nawala na ang parang maasim na amoy pag binubuksan ang aircon...
|
|
reden
Junior Member
Posts: 109
|
Post by reden on Apr 4, 2009 10:06:29 GMT 8
baka amoy ng alikabok sir....kung bagong linis interior ng Carens at may amoy pa, check nyo yung air con filter, i did , 1 month after ng last pms ko, ang kapal na ng alikabok! (ewan ko lang kung nakalimutan linisin o talagang mabilis nagka-alikabok).. madali lang naman tanggalin, nasa manual yung instruction.
|
|
|
Post by jching on Apr 4, 2009 12:43:38 GMT 8
baka amoy ng alikabok sir....kung bagong linis interior ng Carens at may amoy pa, check nyo yung air con filter, i did , 1 month after ng last pms ko, ang kapal na ng alikabok! (ewan ko lang kung nakalimutan linisin o talagang mabilis nagka-alikabok).. madali lang naman tanggalin, nasa manual yung instruction. Pagkatapos palitan ang filter ng AC ko, napansin ko din na naaamoy na ang fumes na galing sa labas, maski na nakasara ang vent ng aking AC. Suspetsa ko matagal na, na "hindi maganda ang replacement filter na inilagay sa Carens ko, at posibleng "peke" at substandard. Kasi yung orig na filter e okay lang at wala akong maamoy sa loob. Watch out tayo dito at pakiramdaman ang inyong mga AC, baka sakaling makasulat sa Columbia at sabihin natin ang ating concerns tungkol sa mga aftermarket products na inilalagay sa ating Carens. Bale ba ang mahal ng singil sa akin para sa filter na yon...mahigit P1T....
|
|
|
Post by hanren on Apr 5, 2009 12:08:25 GMT 8
baka amoy ng alikabok sir....kung bagong linis interior ng Carens at may amoy pa, check nyo yung air con filter, i did , 1 month after ng last pms ko, ang kapal na ng alikabok! (ewan ko lang kung nakalimutan linisin o talagang mabilis nagka-alikabok).. madali lang naman tanggalin, nasa manual yung instruction. Amoy parang suka na my alikabok... I'll try to open it..baka di rin nalinis yung a/c filter..thanks. Baka nga ito yon. Kasi diretso patay yung A/C pagkadating ko at pagkaoff ng makina.. Yung sa akin kasi kahit di pa daw palitan..lilinisin lang daw. Napansin ko kasi itong amoy na ito prior to my 10k pms. I ignored it thinking na papalinis ko din lang ito ng 10k pms. Nung first two weeks after pms, wala naman ako napansin na amoy. But on the third week, balik na naman amoy. Nakakahiya nga rin sa mga sakay ko pero tinatapat ko na lang yung car freshener sa A/C para ma mask yung amoy. Kung minsan sir amoy parang dun sa naamoy sa engine bay. Amoy alikabok. Dapat naman yung pinapalit na aftermarket products eh pumasa din sa quality standards. Possible din kasi na substandard yung nilagay...
|
|